Patuloy ang pagtaas ng kaso ng video at photo scandal ang nailalapit sa NBI at PNP.

Base sa listahan ng National Bureau of Investigation (NBI) mayroong 142 ang kaso ng paglabag ng anti-photo and video voyeurism act of 2009 mula Enero hanggang Marso 2019 na nahigitan ang 92 na bilang sa parehas na panahon noong nakaraang taon.

Sa pagtaya ng PNP anti-cybercrime group mayroon ng 106 na kaso ang naitala mula Enero hanggang Pebrero 2019 na malapit ng malagpasan ang 120 na bilang na naitala sa buong taon ng 2018.

Patuloy pa rin ang panawagan ng mga otoridad na huwag ng kuhanan ng larawan o video ang pagtatalik para hindi na ito kumalat sa internet.