Reading Time: 1 minute

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa isang kasambahay at kasamahan nito na naaresto dahil sa iligal na droga sa Brgy. San Antonio, Quezon City, kaninang madaling araw.

Nakuha sa target ng operasyon na si alyas Rose ang 14 sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Ito ang kinumpirma ni Capt. Ramon Aquiatan Jr., ng Cubao Police Station, kaugnay sa kasambahay na nagtatrabaho sa suspek.

Itinanggi naman ng suspek na nagtutulak sila ng iligal na droga.