Kinumpirma ng Assistant City Veterinarian Dr. Arnado Agbayani ng Zamboanga City na ligtas mula sa African Swine Fever ang karne ng baboy sa ciudad ng Zamboanga.

Sa nakalap na impormasyon ng Star Fm Zamboanga, Bine-Biripika ng City Veterenarian’s Office at ng ilan pang departamento ang mga pumapasok na mga karne sa nasabing syudad.

Hinahanapan ng mga papeles ang mga ito kung saan galing ang nasabing baboy at kung kwalipikado ba ito at pumasa sa mga pagsusuri ng karampatang ahensya.

Sa ngayon ay mahigpitang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad para hindi makapasok ang mga karne ng baboy na kontaminado ng ASF.