Kumpiyansa ang pamunuan ng Department of Agriculture na mailalabas na ang mga bakuna laban sa ASF sa ikatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang naturang bakuna ay kasalukuyang sumasailalim sa genome sequencing at dinala na sa third party expert para sa pag-apruba.
Ayon sa kalihim, kapag naaprubahan na ito ay sa saka lamang sila ieendorso sa Food and Drug Administration.
Sa sandaling maging positibo ang feedback ng mga third party expert ay maaaring mailabas ito pagsapit ng 3rd quarter ng kasalukuyang taon.
Una rito ay nagpulong na ang mga kinatawan ng DA, BAI, FDA noong Mayo 19 kung saan ay tinalakay ang mga update ng mga pinagpipiliang bakuna sa ASF at avian influenza .
Bahagi parin ito ng layunin ng gobyerno na protektahan ang sektor ng pagbababoy at pagmamanok sa bansa.