-- Advertisements --

Okupado na ang karamihan sa mga COVID-19 beds sa mga isolation facilities sa National Capital Region sa harap nang patuloy na pagsipa ng mga kaso, base sa datos na inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Base sa naturang datos, lumalabas na 65.68 percent ng COVID-19 beds, na katumbas ng 2,503 beds sa NCR ay pawang ginagamit sa kasalukuyan.

Dahil dito, 1,308 beds na lamang ang natitirang bakante sa lahat ng 30 isolation facilities sa rehiyon.

Sa ngayon, ang Emilio Jacinto Senior High School sa Quezon City ang siyang mayroong pinakamataas na bilang ng availabe COVID-19 beds sa 244.

Kahapon, Agosoto 28, naitala ang all-time high daily record na 19,441 na bagong COVID-19 infections sa Pilipinas.

Dahil dito, sumirit sa 142,679 ang active cases sa bansa.