-- Advertisements --

Hindi sang ayon si Manila 3rd District Rep. Joel R. Chua sa naging pahayag ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na sumusuporta sa desisyon ng Korte Suprema sa Duterte v. House of Representatives, na nagpawalang-bisa sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Chua ang Konstitusyon ay nasa itaas ng Kongreso, Ehekutibo, at Hudikatura.

Aniya Ang Korte Suprema, bilang ‘court of last resort,’ ay hindi maaaring palitan, palawakin, o idagdag sa Konstitusyon.

Giit ng kongresista ang pinakahuling desisyon ng SC sa impeachment ay pumalit, lumawak, at nagdagdag sa kung ano ang malinaw na ibinibigay ng Konstitusyon.

Ang house blue ribbon committee na pinamumunuan ni Chua nuong 19th congress ang siyang nag imbestiga
sa maling paggsata sa P612.5 million confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Duterte.

Ang resulta ng mga pagdinig ang naging basehan para maghaib ng impeachment complaint laban sa pangalawang highest
government official ng bansa.

Dagdag pa ni Chua Naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang IBP.

Subalit giit ng kongressista sila sa Kamara ay may eksklusibong kapangyarihan na isulong ang Mga Artikulo ng Impeachment nang eksakto tulad ng itinatadhana ng Konstitusyon.

Depensa ni Chua hindi sila kumilos nang hindi isinasaalang-alang ang nararapat na proseso.

Aniya ang Kamara ay kumilos ayon sa legal na paraan.

Siniguro naman ni Chua na ang kqniyqng komite ngayong 20th congress ay pqtuloy nq maging mqsigasig sa pag imbestiga.

Pagtiyak ni Chua na lahat na i refer sa kaniyang komite ay kanila ito agad aaksiyunan, imbestigahan in aid of legislation.