-- Advertisements --

Nakatakdang talakayin nang Pang. Ferdinand Marcos Jr at ng gabinete ang naging rekumendasyon ng Department of Agriculture na taasan ang taripa sa imported na bigas at pansamantalang itigil ang lahat ng importasyon para protektahan ang mga lokal na magsasaka.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez tatalakayin ang nasabing isyu ng Pangulo habang nasa India kasama ang gabinete sa sidelines ng kaniyang limang araw na state visit.

Si Secretary Gomez ay kasama sa delegasyon ng Pangulo na bumiyahe sa India at maging si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.

Ipinanukala ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries na panatilihin ang 35 percent tariff sa imported na bigas para protektahan ang mga locao palay farmers dahil bumaba ang presyo ng bigas.

Ang India ay isa sa mga bansa kung saan nag iimport ng bigas ang Pilipinas.

” The Department of Agricultute is recommending an increase in tariff on imported rice and temporarily halt all importation to protect local farmers. The Cabinet will discuss this urgent matter with the President in India on the sidelines of his state visit,” mensahe ng Department of Agriculture.