-- Advertisements --

Mahigit 50,000 na mga indibidwal o 14,000 na mga pamilya ang nananatili pa rin sa mga evacuation center dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo, at habagat.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at NDRRMC, mahigit 50,000 indibidwal o 14,000 pamilya ang nananatili pa rin sa mahigit 700 evacuation centers sa buong bansa dahil sa epekto ng mga nagdaang bagyo tulad ng Crising, Dante, Emong, at ng habagat.

Nakapagpamigay na ang DSWD ng higit 1.2 milyong family food packs at iba pang tulong gaya ng hygiene kits, sleeping kits, at financial aid para sa mga naapektuhan.

Bukod sa materyal na tulong, nagsasagawa rin ang ahensya ng psychosocial activities para sa mga bata at pamilya upang matugunan ang emosyonal na epekto ng kalamidad.

Marami sa mga evacuees ay hindi pa makauwi dahil sa nasirang mga bahay at patuloy na pagbaha sa ilang lugar.