-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Hinigpitan pa ng LGU-Northern Kabuntalan Maguindanao ang kampanya sa pinagbabawal na droga at kreminalidad sa kabila ng krisis sa Coronavirus Disease (Covid-19).

Ito mismo ang kinomperma ni Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra” Ramil” Dilangalen.

Sa pagpupulong ng 3rd Joint Councils meeting, MDC, MPOC, MADAC, MDRRMC, LSB at LHB sa municipal hall, inatasan ng alkalde ang lahat ng mga opisyal ng labing isang barangay sa bayan ng Northern Kabuntalan na tumulong sa war on drugs at wag matakot na magsumbong sa mga otoridad kaysa sila pa ang maging biktima nito.

Dagdag ni Mayor Dilangalen na walang naidulot na kabutihan ang droga,kung saan maraming buhay ang sinira at dapat lamang puksain ang mga tao o grupo na sangkot nito.

Matatandaan na nasawi sa anti-drug operation ng PDEA-BARMM sa Cotabato City ang ist Municipal Councilor ng Northern Kabuntalan na si Councilor Jaymar Nandang at nahuli naman ang isang guro.

Kinumpirma ng PDEA-BARMM na transient point ng mga grupo o indibibwal na sangkot sa kalakaran ng pinagbabawal na droga ang kailugan sa bayan ng Northern Kabuntalan.

Pinabulaanan naman ni Mayor Ramil Dilangalen ang paninira ng iilang grupo,posibling inggit lang ito o may personal na galit sa mga namumuno sa bayan.

Maliban sa illegal drugs at kampanya kontra kreminalidad hinigpitan rin ng lokal na pamahalaan ang health protocols para iwas Covid 19.

Bago lang ay binuksan ang bagong tayong isolation facility sa Northern Kabuntalan at diritsong ipapasok ang mga LSIs at ROF na may sintomas sa Covid 19.

Dumalo sa MPOC meeting ang mga opisyal ng militar,SB members sa pangunguna ni Vice-Mayor Mary Jane Bayam,mga opisyal ng Barangay,PDEA-BARMM,pulisya,34th IB at ibat-ibang sektor.

Hinikayat ni Mayor Dilangalen ang lahat na magkaisa at magtulungan tungo sa maunlad at mapayapang komunidad.