-- Advertisements --

Magkakasunod na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng taas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad ang P0.70 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Habang ang kerosene ay mayroong P0.30 na pagtaas sa kada litro at mayroong P0.50 sa kada litro ang diesel.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ng Department of Energy ng pagtaas ay ang hindi pa ring humuhupang tensyon sa Gitnang Silangan at ang sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.