Hindi pa kailangan ang pagrarasyon ng langis sa Pilipinas dahil sapat pa ang suplay ng langis sa bansa, ayon sa Department of Energy (DOE).
Bagama’t mataas ang presyo at patuloy ang digmaan sa Middle East, tiniyak ng DOE na mahigit 40 araw pa ang imbentaryo at may mga hakbang ding nakalatag laban sa hoarding.
Sa ngayon, iginiit ng ahensiya na walang kakulangan sa suplay ng gasolina at diesel.
Gayunpaman, pinaiigting ang pagbabantay laban sa mga nagtatago ng langis upang maiwasan ang artificial shortage.
Tinitingnan na rin ng gobyerno ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa tulad ng Russia at China para sa mas matatag na suplay.
Samantala, pinapayuhan ang publiko na huwag mag-panic buying at i-ulat sa DOE o gumamit ng E-Gov PH app kung may makikitang abusadong gas station.
















