-- Advertisements --

Diterminado si Speaker Martin Romualdez na gawing tagumpay ang isinusulong na pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.

Ginawa ni Speaker ang pangako bunsod sa resulta ng survey na ikinasa ng survey firm na Tangere na nagpapakita na 54% sa mga Filipiono ang sumusuporta sa pag-amyenda sa economic Charter.

Ayon kay Speaker Romualdez, lalo siyang nahihikayat lalo at maganda ang tugon ng publiko sa kanilang mga ginagawa.

Isang magandang development din ito lalo at karamihan sa publiko ay sang-ayon para baguhin ang restrictive economic provisions ng Saligang Batas.

Giit ni Speaker Romualdez na ang positibong feedback at lumalaking suporta mula sa publiko ay nagpapatibay sa kaniyang pananalig sa mahalagang misyon upang pinuhin at pagandahin ang pag balangkas ng konstitusyon.

Ito din ang nagtutulak sa mga mambabatas na isulong ang mga responsibilidad sa batas na may dagdag na dedikasyon at determinasyon.

Inihayag ni Speaker na bago pa aprubrahan sa third and final reading ang panukalang naglalayong amyendahan ang economic Charter sumailalim ito sa mabusising pagtalakay.

Ikinatuwa din ni Speaker na ang pananaw at pangangailangan ng publiko ay naka linya sa legislative process ng House of Representatives.

“Under my leadership, the House of Representatives remains committed to fostering an environment where all stakeholders can contribute to meaningful and productive discussions on potential changes to our Constitution,” pahayag ni Speaker Romualdez.