japan floods hagibis
Floods in Japan due to typhoon Hagibis (photo from Twitter posts)

NAGA CITY – Nasa mabuting kalagayan na ngayon ang ibang mga lugar sa Japan matapos ang pananalasa ng bagyong Hagibis.

Sa panayam ng Bombo Ragyo Naga kay Rosy Lizuka, tubong Camarines Sur at residente ng Tokyo, Japan, sinabi nitong sobrang takot at pangamba ang iniwan sa kanila ng naturang kalamidad.

Kuwento ni Lizuka, idinaan na lamang nila sa dasal ang kanilang kaligtasan sa gitna ng sama ng panahon.

Ayon pa kay Lizuka marami na mga lugar ang binaha at nagkaubusan na rin umano ng pagkain dahil sa panic buying ng mga residente.

Sa kabila ng malaking death toll, labis naman ang pasasalamat ni Lizuka na humupa na ang naturang sama ng panahon.