-- Advertisements --

Tiniyak ng House Committee on Justice na magiging patas ang pagtalakay nila sa impeachment complaint na inihain sa Kamara ng kontrobersiyal na abogadong si Larry Gadon laban kay Supreme Court (SC) Justice Marvic Leonen.

Ayon kay House Committee on Justice Vice Chairperson Alfredo Garbin dadaan daw muna ang complaint sa Committee on Justice at dito magaganap ang botohan at saka idadaan sa plenaryo.

Kapag nasa plenaryo na ito, dapat ay 1/3 na boto ng Lower House members para ito aty maendorso.

Pero may “shortcut” umano rito kapag ang 1/3 members ng House of Representatives ang mag-eendorso.

Kahapon nang ihain ng grupo ni Gadon ang impeachment complaint hindi pag-aksyon ng mahistrado sa mga kasong hawak nito sa Korte Suprema.

Bukod pa aniya rito ang hindi paghahain ni Leonen ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Inakusahan si Leonen na hindi naresolba ang 37 sa 82 pending cases sa loob ng 24 na buwan na paglabag daw sa section 15(1) ng Article VIII ng Philippine Constitution.

Nakasaad ditong ang lahat ng mga kaso ay dapat maresolba sa loob ng 24 oras nang maisampa ang kaso sa SC.

Kasabay nito, binanatan naman ng mga supporters ni Leonen si ang grupo ni Gadon as inihaing reklamo.

Ayon kay National Union of Peoples Lawyers (NUPL) President Edre Olalia at reklamo ay depektibo raw sa form at substance.

Sinabi naman ng human rights lawyer na si Chel Diokno na hindi raw umubra ang quo warranto petition ni Gadon sa Korte Suprema laban kay Leonen maging ang motion to inhibit na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo dahil sa poll protest ay ang impeachment daw ipipilit.