-- Advertisements --

Hinimok ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang Mababang Kapulungan na magsagawa ng independent review o hiwalay na pag-aaral sa K-12 program.

Ayon kay Cong Manuel, bukod sa Makabayan bloc ay marami pang mga mambabatas ang naghain ng resolusyon sa Kamara na nagsusulong ng pagbusisi sa implementasyon ng K-12 program.

una rito ay inalmahan ni Manuel na hindi kasama ang mga magulang at estudyante sa ginagawang review ng Department of Education sa K-12 program.

Sinabi ng mambabatas na kailangang mapakinggan ng DepEd ang panig ng maraming kabataan at magulang na pinaasa, pinahirapan, pinag-eksperimentuhan at pinagkakitaan sa ilalim ng K-12.

Paliwanag ni Manuel, ang totoong mga karanasan nila ay dapat maipaloob sa review upang matukoy ang mas makabuluhang mga solusyon sa nakitang butas sa pagpapatupad ng K-12 program.