Nagsumite si dating National Police Commission (Napolcom) commissioner Edilberto Leonardo ng kanyang counter-affidavit kaugnay sa kasong murder at frustrated murder na isinampa laban sa kanya kaugnay ng pagpatay kay PCSO board secretary Wesley Barayuga noong 2019.
Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Andres Manuel, personal nilang isinumite at pinagtibay ang nasabing dokumento ngayong Biyernes, Mayo 2 sa Department of Justice (DOJ). Tumanggi naman si Manuel na isiwalat ang laman ng counter-affidavit.
Matatandaan na si Leonardo at dating PCSO general manager Royina Garma ay itinuro umano bilang mga utak sa krimen sa isinagawang pagdinig ng House Quad Committee, ngunit kapwa nilang itinanggi ang mga paratang.
Samantala, binigyan din ng DOJ ng panahon si Garma upang magsumite ng kanyang apostilled counter-affidavit, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Emerito Quilang.