-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Panibagong kaso ng Coronavirus Disease (Covid 19) ang naitala sa bayan ng Kabacan Cotabato.

Ito na ang pang 24 na kaso sa bayan.

Batay sa ulat ng Kabacan Municipal Epidemiology Surveillance Unit, ang naturang kaso ay walang history ng exposure sa anumang suspected o positive case sa bayan.

Sa ngayon ay patuloy sa imbestigasyon ang tanggapan upang malaman kung saan nakuha ng pasyente ang sakit.

Dagdag pa ng RHU, nagkaroon umano ng clogged nose ang pasyente at dito na nga lumabas ang resulta na isinagawa ng kanyang pinagtatrabahuan na nagpositibo nga ito sa naturang sakit.

Sa ngayon ay nasa mabuti ang kalusugan ng pasyente at nakaisolate na ito.

Nasa ilalim naman ng strict monitoring ang pamilya ng pasyente.

Hinikayat naman ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang publiko na sumunod sa mga ipinapairal na health protocol at maging totoo sa mga datos na inilalabas.

Sa ngayon ay umaabot na sa 301 ang nagpositibo sa Covid 19 sa probinsya ng Cotabato,13 active cases at 275 recoveries.