Ikinalugod ng Palasyo ng Malakanyang ang ulat na malapit ng masungkit ng Pilipinas ang upper-middle income threshold.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, patunay ito na nagta trabaho ang administrasyon para mapaganda ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mga hamong kinakaharap.
Walang duda ang Malakanyang na makakamit ng Pilipinas ngayong taon ang upper middle income status lalo at nasa $26 dollars nalang ang kulang natin.
Gayunpaman sinabi ni USec. Castro na sa July 2026 pa natin ito malalaman.
Kung maalala Mismong mga economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nagbigay ng garantiya na makakamit natin ang upper middle income status ngayong taon.
Maraming benepisyo kasi ang makukuha ng Pilipinas sa sandaling makamit ang upper middle income status, gaya ng pagkakaroon ng access to international markets, Economic stability, improved economic growth at iba pa.