NPA attack Victoria Nortrhern sama PNP
Photos from Northern Samar Provincial Police Office (NSPPO Reg. 7)

TACLOBAN CITY – Emosyounal na nananawagan ang kapatid ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na naaresto matapos ang ginawang pagsalakay ng mga ito sa Victoria, Northern Samar Municipal Police Station noong nakaraang buwan.

Ayon sa kapatid na nagpakilalang si alyas Louie, hindi niya inakalang magiging miyembro ng rebeldeng grupo ang kanyang kapatid na si alyas Ricardo dahil sinabi nito ay nasa Cebu lang siya para magtrabaho pero nasa Northern Samar pala.

Ikinalulungkot naman nito ang kinahinatnan ng kanyang kapatid na sa ngayon ay nasa kustodiya ng mga kapulisan sa Northern Samar.

Nanawagan ito sa NPA na sana ay ‘wag sirain ang pagkatao ng isang indibidwal para lang sa kanilang mga pansariling kagustuhan.