-- Advertisements --

Napigilan ni K-pop star Nana ang nagtangkang pumasok sa kaniyang bahay.

Ayon sa kapulisan ng South Korea, na isang lalkai na nasa edad 30 ang pumasok sa bahay ng singer para magnakaw.

Doon ay pinabagsak ng singer ang magnanakaw sa tulong ng kaniyang ina.

Naaresto na ng mga otoridad ang suspek at ito ay nahaharap sa kasong aggravated robbery.

Si Nana o Im Jin-ah sa tunay na buhay ay singer at naging aktress na sumikat ng maging bahagi ng grupong Orange Caramel.

Ang music video nila na “Catallena” ay mayroong mahigit na 35 milyon views sa YouTube.