Dumating na sa bansa si naturalized player Justin Brownlee para sumama sa Gilas Pilipinas sa paghahanda para sa unang window ng FIBA World Cup Qualifiers.
Unang ibinahagi ni Jun Atienza ng Barangay Ginebra at Gilas ang larawan kasama si Brownlee matapos itong lumabas sa NAIA, na kalaunan ay kinumpirma rin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa social media.
Malaking tulong ang pagdating ni Brownlee para sa Gilas, na haharap sa Guam sa home-and-away games sa Nobyembre 28 sa abroad at Disyembre 1 sa Blue Eagle Gym.
Nananatili ring hindi pa nakalalaro si Brownlee para sa Meralco sa East Asia Super League kung saan dapat sana ay makakasama niya ang dating katunggali na si Rondae Hollis-Jefferson.
Nabatid na ang unang window ng qualifiers ang simula ng kampanya ng Gilas para sa 2027 FIBA World Cup sa Doha, Qatar, kung saan kabilang sila sa Group A kasama ang Australia, New Zealand, at Guam.
















