-- Advertisements --
Walang plano si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na palawigin pa ang kaniyang training pool para sa A-team.
Lumabas ang usapin matapos na magkampeon sa katatapos Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand ang Gilas Pilipinas.
Itinuturing kasi ng basketball fans na nasa “C” team ang Gilas Pilipinas na sumabak sa SEA Games dahil dito inilagay ang ilang mga hindi nakapasok sa main team na Gilas na sumabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Dagdag pa ni Cone na humahanga ito sa alternative Gilas na pinamunuan ng beteranong coach na si Norman Black.
Mula kasi na itinalaga si Cone bilang head coach ng Gilas ay minabuti niyang panatilihin sa 12 manlalaro ang bilang ng basketball team ng bansa kumpara sa nakasanayan na 20 manlalaro.
















