Pasok sa finals ang Gilas Pilipinas men at Gilas Women matapos parehong talunin ang Indonesia sa semifinals ng basketball sa 2025 Southeast Asian Games sa Thailand.
Nagwagi ang Gilas Pilipinas sa men’s basketball sa iskor na 71-68 matapos ang come-from-behind victory laban sa Indonesia. Nanguna si Thirdy Ravena na may 16 puntos, habang nag-ambag sina Jamie Malonzo ng 13 at Ray Parks ng 12 puntos.
Sa finals, makakaharap ng Gilas Pilipinas ang mananalo sa laban ng Thailand at Malaysia.
Samantala, pinatalsik ng Gilas Women ang defending champion na Indonesia matapos ang 66-55 panalo sa semifinals. Ito ang ikaapat na sunod na finals appearance ng koponan, na nabigong magkampeon noong 2023.
Haharapin din ng Gilas Women sa finals ang mananalo sa salpukan ng Thailand at Malaysia. (report by Bombo Jai)
















