-- Advertisements --

Pinaghahandaan na ni Kai Sotto ang pagbabalik niya sa paglalaro sa Gilas Pilipinas.

Halos isang taon na itong hindi nakakapaglaro dahil sa ACL injury.

Dahil sa hindi na ito nakasama sa 2026 Japan B. League All-Star GAme sa Nagasaki ay mayroon na umano itong sapat na panahon para maghanda sa ensayo kasama ang Gilas Pilipinas.

Una ng sinabi ni Gilas coach Tim Cone na mahalaga ang papel ni Sotto lalo na sa dalawang laro nila sa buwan ng Pebrero para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa Pebrero 26 habang ang Australia sa Marso 1 na kapwa ito gaganapin sa MOA Arena.