Sinuportahan ng US Justice Department ang naging hiling ni President Donald Trump sa Korte Suprema na huwag ipakita sa New York prosecutor ang kaniyang tax returns.
Ito ay isang linggo matapos maghain ng American president ng apela para baliktarin ang inilabas na ruling ng lower court na nag-uutos sa kaniyang longtime accounting firm na magbigay ng kopya ng walong taong tax returns ni Trump.
Sa nakasaad na ruling ng New York-based 2nd U.S. Circuit Court of Appeals, inaatasan nito ang mga prosecutors na maglabas ng subpoena upang magkaroon ng access ang mga ito sa personal at corporate tax returns ni Trump simula noong 2011 hanggang 2018 at iharap ito sa grand jury.
Ngunit ayon kay Solicitor General Noel Francisco posible umano nagimitn ang subpoena para i-harass ang presidente.
Kasali sa legal questions na ito na kung ang nasabing subpoena ay lalabag sa U.S. Constitution kung saan mahaharang umano ang kapangyarihan ni Trump bilang pinuno ng bansa.
Giit naman ng mga abogado ni Trump na hindi ito maaaring maging subject ng kahit anong criminal process habang siya ay nasa pwesto pa dahil parte umano ito ng kaniyang presidential immunity.