-- Advertisements --

Pumanaw na ang tinaguriang “Jukebox Queen” na si Claire Dela Fuente dahil sa atake sa puso.

Ayon sa anak nitong si Gigo, bago nagkaroon ng heart attack, nagpositibo pa sa COVID-19 si Claire.

Ito rin ang rason kung bakit siya naka-confine sa isang ospital.

Natukoy ding may hypertension at diabetes siya sa mga nakalipas na taon.

Pumanaw ang singer sa edad na 62.

Bilang singer, naging popular siya sa mga awiting “Sayang,””Minsan-Minsan,” “Baliw” at iba pa.

Tumatak din sa marami ang boses niyang kahawig ng international artist na si Karen Carpenter, na pumanaw naman noong 1983.

Maliban sa pagkanta, si Claire ay nagmamay-ari ng Philippine Corinthian Liner Corp. bus company at ilang sea food restaurant.