Ibinunyag ng Department of Justice (DOJ) na ibinubunyag ng kanilang mga whistleblowers ang mga sangkot sa anomalya ng flood control projects.
Ayon kay DOJ Undersecretary Jesse Andres, na may mga impormasyon na isinawalat sa kanila nina Brice Hernandez, Henry Alcantara, Jaypee Mendoza, RJ Domasig, dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, at contractor na si Sally Santos.
Dagdag pa ni Andres na sa una ay pakonti-konti ang impormasyon na kanilang nakukuha subalit matapos ang ikatlong interview sa mga ito ay may mga isinasawalat na silang impormasyon.
Sa ngayon ay mayroong na silang sapat na ebidensiya para madiin ang ilang mga senador at congressman na sangkot sa nasabing anomalya.
Una ng isinawalat sa National Bureau of Investigation nina Alcantara, Hernandez, at Mendoza na sangkot sa anomalya sina dating Senate President Chiz Escudero, at dating Ako Bicol Partylist Congressman Zaldy Co.
















