-- Advertisements --

Patuloy na nananatili ang lakas ng Bagyong Tino habang ito ay kumikilos pa-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 235 kilometro silangan-timog-silangan ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na hanggang 150 kilometro kada oras. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Signal No. 4: Ilang bahagi ng Dinagat Islands, Siargao, at Bucas Grande Islands

Signal No. 3: Katimugang bahagi ng Eastern Samar at Samar, gitna at katimugang bahagi ng Leyte, Southern Leyte, gitnang bahagi ng Cebu kabilang ang Camotes Islands, at silangang bahagi ng Bohol

Signal No. 2: Katimugang bahagi ng Masbate, gitnang bahagi ng Eastern Samar at Samar, natitirang bahagi ng Leyte, Biliran, Bohol, Cebu, hilaga at gitnang bahagi ng Negros Oriental at Negros Occidental, Siquijor, Guimaras, Capiz, Iloilo, katimugang bahagi ng Aklan, gitna at katimugang bahagi ng Antique, ilang bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, Agusan del Norte, at Camiguin

Signal No. 1: Albay, Sorsogon, natitirang bahagi ng Masbate, katimugang bahagi ng Quezon at Marinduque, Romblon, gitna at katimugang bahagi ng Oriental at Occidental Mindoro, hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, at Cagayancillo Islands, Northern Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Samar, Negros Oriental, Aklan, Antique, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, at Zamboanga del Norte