Vice Mayor Ronald Posoy Timogan
Vice Mayor Ronald Posoy Timogan

BUTUAN CITY – Matapos ang halos isang buwang paghawak ng kasong large scale syndicated estafa laban kay dating Forex Butuan City operator at dating Nasipit, Agusan del Norte Vice Mayor Ronald Posoy Timogan, nag-inhibit na sa nasabang kaso si Judge Isah Echem-Tangonan.

Kinumpirma ito ni Butuan City Jail warden Sr. Insp. Marlon Castelo matapos ang ilang ulit na hindi pa rin pagpapalabas kay Timogan mula sa pagka-hospital arrest.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Castelo na kanila ng natanggap ang omnibus order mula sa naturang huwis na nagbigay-alam sa kanila kaugnay sa kanyang pag-inhibit sa kabila na ngayong Nobyembre a-7 na itinakda ang preliminary hearing ng kaso.

Nakasaad umano sa omnibus order na kasama sa rason ng kanyang pag-inhibit ay ang hindi pagpapalabas ng attending physician ni Timogan na si Dr. Delfin Dayan ng malinaw na medical status nito sanhi ng patuloy niyang pagkaka-hospital arrest.

Ito’y sa kabila ng katotohanang ang pagtaas lamang ng presyon ng dugo nito ang tanging dahilan kung kaya’t isinugod ito sa ospital nang ito’y hulihin sa kanyang bahay nitong Setyembre a-27 sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte.