Nagprotesta ang transport group na PISTON laban sa mataas na taas presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.
Ang rally ay isinagawa sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa lungsod ng Quezon.
Muling nanawagan si PISTON president Mody Floranda sa pagbasura ng oil deregulation law at agarang pagsuspinde sa value-added tax at excise tax sa lahat ng mga produktong petrolyo.
Kabilang sa mga lumahok sa protesta ay mga public utility vehicle drivers at operators mula sa Cubao, Bagong Silang, at Novaliches.
Punto ni Floranda na malaking pariharap sa lahat ng mga operator at driver ng jeep ang mataas na presyo ng petrolyo.
Hindi rin aniya sasapat ang inilaang subsidiya ng gobyerno para sa mga jeepney drivers kapag nagpatuloy ang pagtaas ng presyo .
Una nang nag-anunsyo ang ilang kumpanya ng langis sa bansa hinggil sa panibagong taas sa presyo ng petrolyo mula ng itaas ito noong nakalipas na linggo dahil pa rin sa tensyon sa Middle East.