Napili si NBA legend Michael Jordan na maghandog ng Basketball Hall of Fame award sa yumaong si Kobe Bryant sa susunod na buwan.

Kabilang kasi ang dating Los Angeles Lakers star sa gagawaran Hall of Fame class of 2020 kasama sina Tim Duncan at Kevin Garnett sa darating na Mayo 15.

Binigyan din ang mga class of 2020 na mamili sa mga dating inductees na magbibigay sa kanila ng award.

Mula pa noong bata ay iniidolo na ni Bryant si Jordan kaya pinili siya ng organizers.

Magugunitang Enero 2020 nang bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Bryant kasama ang anak nitong si Gianna at pitong iba pa.