Hindi pa rin nawawala ang interest ni Filipino-American NBA player Jordan Clarkson na maglaro muli sa Gilas Pilipinas.

Huling naglaro kasi ito sa Gilas ay noong 2018 Asian Games sa Jakarta kung saan nagtapos ang Pilipinas sa ikalimang puwesto.

Umaasa pa ang Utah Jazz player na sa pagdating ng nasabing panahon ay magiging libre na ito at wala ng anumang aberya.

Magugunitang nagkaroon ng pagkuwestiyon ng FIBA sa eligibility ng 28-anyos na si Clarkson kaya hindi pa rin ito nakakapaglaro sa mga torneo ng FIBA.

Labis din ito ng natutuwa dahil sa maraming mga Filipino ang sumusuporta sa kaniya saan mang panig ng mundo.