Joma Sison
Joma Sison / FB post

Binatikos ni Communist Party of the Philippines (CPP) co-founder Jose Maria “Joma” Sison ang inilabas na matrix ng Malacañang na nag-uugnay sa mga personalidad na sangkot sa pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sison na walang kuwenta ang nasabing matrix at inihalintulad pa ito sa toilet paper.

Ang Matrix ay resulta rin aniya ng pagkakaroon ng nervous breakdown ng pangulo at mahabang pamamahinga nito mula sa dialysis noong nakaraang linggo.

Nauna rito inilabas ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang matrix na nagpapakita sa mga nasa likod ng balak na pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.