Pag-aaralang mabuti ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang naging hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng ceasefire habang nahaharap ang bansa sa banta ng coronavirus.

Sinabi ni NDFP chief political consultant Jose Maria Sison o Joma, na kailangang magkaroon ng pormal na alok ang Pangulo sa pamamagitan ng GRP negotiating panel sa NDFP.

Magugunitang hiniling ng Pangulo sa mga komunistang grupo na itigil muna ang bakbakan sa kanila ng gobyerno.