Sinamantala ng Denver Nuggets ang kakulangan ng players ng Houston Rockets upang iposte ang unang panalo sa tatlong games, 124-111.
Dinala ni Nikola Jokic ang koponan sa pamamagitan ng kanyang triple double performance gamit ang 19 points, 18 assists at 12 rebounds.
Ito na ang kanyang ika-42nd triple-double sa kanyang career.
Malaking tulong din naman ang ginawa ni Jamal Murray na nagtala ng 21 points bago nagpahinga sa third quarter nang may makabungguan ito habang 4:05 minutes ang nalalabi.
Sa kampo nang undermanned na Houston si James Harden ay kumamada ng 34 big points pero hindi pa rin umubra sa puwersa ng Rockets.
Sa first half pa kapwa pinainit kaagad nina Jokic at Murray ang opensa sa pinagsamang 36 points.
Kung maalala sa pagsisimula pa lamang ng season nabawasan na ng ilang key players ang Houston na kinabibilangan nina John Wall, DeMarcus Cousins, Eric Gordon at Mason Jones bunsod ng COVID-19 health at safety protocols.
Sa ngayon bokya pa rin ang Rockets sa 0-2 record.