-- Advertisements --

Inilabas na ng beteranong coach na si Norman Black ang mga pangalan ng Gilas Pilipinas players na sasabak sa 2025 Southeast Asian Games.

Bilang siya ang tatayong coach ng Gilas para sa SEA Games nagaganapin sa Thailand, ay inilabas nito ang mga manlalarong nagpahayag ng interest.

Kinabibilangan ito ng mga naturalized players na sina Justin Brownlee, Angie Kouame, Ray Parks, Matthew Wright, Dave Ildefonso, Remy Martin, Jason Brickman at Veejay Pre.

Sinabi nito na mayroon pang apat na natitirang slots kung saan naghahanap sila ng mga malalaking manlalaro na isasabak.

Umaasa ito na mabigyan sila ng konsiderasyon ng UAAP dahil maraming mga malalaking manlalaro nila doon na makakatulong sa Gilas Pilipinas.

Bukod sa UAAP ay maaring makakuha ito ng tulong sa PBA at MPBL ganun din nakausap niya rin ang ilang mga Pinoy na naglalaro sa Korea.

Magaganap ang 2025 SEA Games mula Disyembre 9 hanggang Disyembre 20.