-- Advertisements --
Sinimulan na ng Commission on Audit (COA) ang kanilang performance review sa iba’t-ibang mga flood control projects.
Sinabi ni COA Chairperson Gamaliel Cordoba, na agad silang tumugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakasaad ito sa inilaas nilang COA Resolution 2024-2026 Performance Audit Portfolio.
Isa sa nasabing programa ay malalaman kung ang flood control projects ay pinipigil ang pagbaha sa ilang lugar.
Inatasan din ang Peformance Audit Office na isumite agad ang report kapag natapos na ang audit.