Suportado ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang hakbang ng Department of Public Works and Highways na humiling ng Immigration Lookout Bulletin Order laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa mga ghost flood control projects.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay Atty. Ariel Inton, presidente ng grupo, sinabi nito na hindi sapat ang mga pangalan sa kasalukuyang listahan.
Aniya, dapat isama rin ang mga politiko, partikular sina Cong. Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist at ang kanyang kapatid na si Christopher Co, na mga sinasabing may kinalaman sa mga proyekto.
Bagamat kasama sa request si Aderma Angelie Alcazar ng Sunwest Inc., sinabi ni Atty. Inton na hindi pwedeng palampasin ang mga Co brothers, na sinasabing may kontrol pa rin sa kumpanya.
Dapat din aniyang isama si dating Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, na may command responsibility sa mga opisyal ng ahensya.
Naniniwala pa ang grupo na ang pagsama sa mga ito ay alinsunod sa layunin ni Sec. Vince Dizon na mapabilis ang imbestigasyon at mapanagot ang mga may sala.