-- Advertisements --

Aprubado na ng bagong talagang Officer-in-Charge para sa Department of Justice na si Undersecretary Fredderick Vida ang hiling ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na mag-isyu ito ng Immigration Lookout Bulletin Order kontra sa ilang mga indibidwal sangkot sa flood control projects anomaly.

Kabilang sa mga ito ay sina former Cong. Mary Cajayon-Uy, Arturo ‘Art’ Atayde, Alvin Tan, Bong Marasigan at iba pa.

Ito’y batay sa sources ng Department of Justice matapos maipadala ang ILBO Request ng ICI ngayong araw, ika-15 ng Oktubre.

Sa hiling ng ICI, 19-katao ang ipinalalagay nito sa Immigration Lookout ngunit 16 lamang ang ngayo’y inaprubahan sapagkat tatlo sa mga ito ay nauna ng maisailalim sa naturang monitoring.

Kung kaya’t ang mga indibidwal na iniligay sa lookout bulletin ay siyang binabantayan ng Bureau of Immigration sakaling umalis o bumalik man ng bansa.

Ngunit ang ILBO ay hindi nangangahulugang hindi na maari silang lumabas ng Pilipinas kundi para malaman lamang ang kanilang ‘travel activities’.