Mariing pinabulaanan ni Hollywood actor Johnny Depp ang pananakit nito sa dating asawa na si Amber Heard.

Johnny Depp
Johnny Depp/ IG post

Ayon sa 57-anyos na actor na nag-iimbento lamang ng kuwento ang kaniyang asawa.

Plano din itong sampahan ng kaso ang publisher ng Sun newspaper na naglabas ng artikulo na siya ay nanakit ng asawa.

Base sa inilabas na balita ng nasabing diyaryo na mula pa noong 2013 ay sinasaktan na ng actor ang asawa nito.

Dahil sa pangyayari ay nagsampa ng kaso si Heard ng domestic violence at ito ay dinidinig na sa London.

Nakatakda namang magbigay ng kanilang pahayag ang ilang mga Hollywood actress na si Vanessa Paradis at Winona Ryder.

Naging Oscars at Bafta-nominated si Depp at noong 2008 ay nagwagi ito sa Golden Globe sa pelikulang “Sweeney Todd: The Demon Barber of Fleet Street”.