-- Advertisements --

Ibinahagi ng beteranong actor na si Michael Douglas na wala na talaga itong planong gumawa ng mga pelikula.

Ayon sa 80-anyos na actor na mula pa noong 2022 ay hindi na ito aktibo sa showbiz dahil nagpatanto niya na kailangan na niyang tumigil.

Halos 60 taon na itong nasa industriya at ayaw niya na maging isa sa mga tao na nasawi dahil sa labis na pagtatrabaho.

Subalit ng may nag-alok sa kaniya ng magandang pelikula ay hindi niya ito tinanggihan.

Mayroon pang dalawang movie project ang actor na nakatakdang ilabas at ito ay ang “Looking Through Water” at ang miniseries na “Reagan & Gorbachev”.

Nagsimula ang career ng actor noong 1966 kung saan lumabas ito sa mga TV series.

Nakamit niya ang ikalawang Oscar na pelikulang “Wall Street”

Ikinasal ito sa actress na si Catherine Zeta-Jones.

Taong 2010 ng ma-diagnosed siya na mayroong stage 4 throat cancer.

Matapos ang paggaling niya sa cancer ay nakasama ito sa Marvel franchise na “Ant-Man” , “Ant-Man and the Wasp” at “Avengers: Endgame”.