WASHINGTON – Nanguna si John Wall sa kanyang debut sa playoff at nagtala ng career-high na 32 points sa buwena manong panalo ng Washington Wizards  laban sa Atlanta Hawks, 114-107.

Tumulong din si Markieff Morris na uminit sa tira sa second half at nagtapos ng 21 points at si Bradley Beal ay may 22 para sa kanilang first round win.

Hindi umubra sa grupo ni Wall ang mga diskarte ng Atlanta players na sina Dennis Schroder na may 25 points, si Paul Millsap na may 19 at ang center na si Dwight Howard na nagtapos sa 14 rebounds pero seven points lamang ang kanyang naipakita para sa team.

Ang Game 2 ay gagawin sa Huwebes.