Patuloy na nagpaalala ang dalawang miyembro ng LGBTQIA+ personalities na sina John Lapus at Pura Luka Vega sa kahalagahan ng paggamit ng tamang pronouns para sa mga miyembro ng komunidad.
Ito’y matapos uminit muli ang usapin sa social media matapos ang sagutan nina Awra Briguela at content creator Jack Argota, na tutol sa pagtawag kay Awra gamit ang “she/her.”
Nag-repost kasi si Briguela ng pahayag na ang maling pagtukoy ng pronouns ay isang anyo ng kawalang-galang.
Sa Instagram post ni Lapus noong Hulyo 20, iginiit nito na simpleng bagay lamang ang pagtawag sa isang tao gamit ang nais nilang pronouns, at ito’y nakapagpapasaya sa kanila.
‘Napaka simple kung ikakaligaya ng isang tao ang matawag ng he or she at hindi mo naman ikamamatay aba’y gawin mo na,’ aniya.
Samantala, sinigundahan naman ito ng kontrobersyal na drag artist na si Pura Luka Vega, na gumagamit ng they/them na pronouns, na ang sadyang maling pagtukoy aniya ng kasarian ay hindi lamang pagkakamali kundi isang uri ng panlalait. Aniya, mas mainam kung gagamit na lamang ng Filipino na likas na gender-neutral.
‘Pronouns aren’t that hard. People usually present how they identify. If you slip up, just correct and say sorry. But if you misgender just to ridicule, that’s another thing,’ dadag ni Luka Vega.