Ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang suporta at pagbati kay Awra Briguela matapos itong magtapos sa high school, sa kabila ng mga isyung kinaharap ng batang komedyante.
Sa Instagram post ni Awra noong Hulyo 17, pinasalamatan niya si Vice Ganda, na tinawag niyang “Lovely Muder,” bilang isa sa mga dahilan kung bakit niya nakamit ang kanyang diploma.
“Thank you so much, My Lovely Muder. I wouldn’t even be here if it weren’t for you,” ani Awra. “I promise I’ll keep focusing on the love and the people who truly matter just like you taught me.”
Nagkomento naman si Vice Ganda sa naturang post:
“Congratulations! Never mind the noise. Focus on your win. Love you!”
Nagpasalamat din si Awra sa komedyante sa pagpapaaral sa kanya at sa patuloy na paniniwala sa kanyang kakayahan.
Nabatid na ang mensahe ni Vice ay kasunod ng muling pag-post ni Awra tungkol sa respeto sa tamang pag-gamit ng gender identity, matapos ang umano’y misgendering sa kanya ng social media personality na si Jack Argota.