-- Advertisements --

Hindi naiwasan ni Awra Briguela na batikusin ang isang netizen dahil sa hindi magandang komento nito sa social media.

Sa social media account ni Awra o McNeal Briguela , ay nagpost ito ng screenshot ng komento ng isang netizen.

Sa nasabing screenshot ay makikita ang pagbabad nito sa isang dagat at nakasuot ng bikini.

Dito ay sinabi niya na isa pa namang propesor ang nagpahayag ng negatibong komento.

Dagdag pa nito na hindi dapat ginagawa ito ng isang university professor ang nasabing pagkomento ng malaswa.

Bilang isang propesor aniyia ay hindi nakakatulong ang anumang transphobic na mga komento.