Itinalaga ng China si Jing Quan, dating senior diplomat sa Washington D.C., bilang bagong Ambassador sa Pilipinas, sa gitna ng matagal nang tensyon sa West Philippine Sea (WPS).
Dumating si Jing noong Sabado, Disyembre 6, at sinalubong ng mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at ng Chinese Embassy.
Ayon sa embahada, sinabi ni Jing na bagama’t mahirap ang tungkulin, sisiguraduhin niyang mapanatili ang dignidad at interes ng bansa habang nagsisilbing tulay upang mapatatag ang relasyon ng China at Pilipinas.
Papalit siya kay Ambassador Huang Xilian, na naglingkod ng anim na taon, na tumagal noong administrasyong Duterte hanggang sa unang bahagi ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bago ang Manila assignment, nagsilbi si Jing bilang deputy chief of mission sa Chinese Embassy sa Washington D.C. Sa nakalipas na dalawang dekada, nakilala siya sa U.S.-China relations, kabilang ang trade negotiations sa ilalim ng administrasyong Trump, at bilang fellow sa Brookings Institution noong 2004–2005.
Ang malawak na karanasan ni Jing sa Estados Unidos ay nagpapakita lang kung gaano ito kabihasa pagdating sa negosasyon.
















