-- Advertisements --

Nakuha ng Minnesota Timberwolves ang three-time All-Star na si Jimmy Butler mula sa Chicago Bulls matapos ang ginanap na draft-deal.

Dahil dito muling magkakaroon ng reunion si Butler sa dati niyang coach na si Tom Thibodeau.

Napunta naman sa Wolves ang No. 16 overall pick kapalit ni Justin Patton, ang big man na mula sa Creighton.

Si Patton ay dating teammate ni Kobe Paras sa Blue Jays.

Sa panig ng Bulls, nakuha naman nila ang guards na si Kris Dunn at Zach LaVine ganon din ang No. 7 overall pick.

-- Advertisement --

Ginamit nila ang pagpili sa 7-footer na si Lauri Markkanen mula sa Arizona.

Ang nasabing trade ay nalaman umano ni Butler sa kanyang agent habang siya ay nasa Paris.

Kasama sa France ni Butler ang ilan pang NBA players na kinabibilangan nina  Russell Westbrook, James Harden, Dwyane Wade at Carmelo Anthony upang dumalo sa Paris fashion shows.

Kung maaalala noong nakaraang taon si Dunn ang No. 5 overall pick sa draft.

Si LaVine naman ay nag-average ng 18.9 points noong nakaraang season bago dumanas ng ACL torn.

Siya ay No. 13 pick sa draft noong taong 2014.