Jazz Rudy Gobert Mitchell
-- Advertisements --

Ibinilang din ng Utah Jazz sa kanilang mga biktima ang Cleveland Cavaliers matapos na ilampaso, 114-75.

Walang patawad ang ginawa ng Jazz sa kanilang opensa upang iposte ang ika-anim na sunod na panalo para sa kabuuang 35-11 best record.

Nagtapos si Donovan Mitchell sa 19 points habang si Rudy Gobert naman ay nagdagdag ng 18 points at 17 rebounds.

Si Mike Conley ay nagpakita rin sa 18 points para sa Jazz, na nagtala na ng 20 sunod-sunod na panalo sa kanilang home arena.

Para naman sa Cavs si Collin Sexton ay nagtapos sa 20 points at si Darius Garland naman ay nagdagdag ng 18.

-- Advertisement --

Nalasap ng Cavs (17-30) ang ikatlong sunod na talo mula sa huling apat na road games.