Pumanaw na ang kilalang Jazz musician na si Chuck Mangione sa edad na 84.
Sinabi ng kaniyang tagapasalita na namayapa ang two-time Grammy winner sa bahay nito sa New York.
Nakagawa ito ng mahigit na 30 na albums saat mayroong 14 Grammy Awards nominations.
Nakilala ito sa pagtugtog gamit ang flugelhorn at trumpet.
Pinasikat niya ang kantang “Feels So Good” at kasama siya sa animated sitcom na “King of the Hill” kung saan gumanap ito bilang si Mega Lo Mart.
Isinilang at lumaki si Mangione sa Rochester New York kung saan nahiligan niyang makinig sa mga jazz records ng aman.
Nagtapos ito mula sa Eastman School of Music noong 1963.
Kasama niya ang kapatid na si Gap ay tumutugtog sila at nakilala bilang The Jazz Brothers.
Noong 1977 ang kaniyang jazz album na “Feels So Good” ay nakapasok sa numero 2 ng Billboard albums charts.
Lumabas din ito sa mga pelikula gaya ng “Doctor Strange”, “Fargo” at maraming iba pa.
Nagamit ang ilang kanta nito sa Olympics gaya ng “Chase The Clouds Away” noong 1976 Games at nagtanghal ito sa closing ceremony noong 1980 Winter Games sa New York.
Tinanghal siya bilang Rochester Music Hall of Fame noong 2012 at nagwagi ito ng dalawang Grammy bilang best pop instrumental performance ng “Children of Sanchez” noong 19709 at best instrumental composition ng “Bellavia” na isinulat para sa kaniyang ina noong 1977.