-- Advertisements --

Ikinuwento ng singer na si Jaya ang desisyon nilang pamilya na bumalik na sa US.

Sinabi nito na ito ang kaniyang napagdesisyunan matapos ang ilang hamon na pinagdaanan noong nakaraang mga taon.

Dagdag pa nito na napabayaan na niya ang kaiyang sarili at tila nadi-depress na.

Maging ang asawa nito na si Gary Gotidoc ay kaka-recover lang mula sa pagka-stroke nitong tatlong araw.

Bago umalis ang mag-asawa kasama ang step son ay nagbenta pa sila ng kanilang lupain sa Tarlac.

-- Advertisement --

Labis din ang pasalamat nito dahil nakahanap agad sila ng trabaho at bahay na tirahan pagdating sa US.